Wala nang buhay nang matagpuan ng mga awtoridad sa Hong Kong kaninang umaga ang labi ng isang 51 anyos na Filipina.
Nabatid na palutang-lutang ang biktima nang makita ito ng isang passerby.
Na-recover din sa Pinay ang Hong Kong ID nito.
Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang sanhi ng pagkamatay ng Pinay lalo na’t wala namang nakitang suicide note ang Hong Kong Police.
Nakatakda ring isailalim sa autopsy ang labi ng biktima.
Facebook Comments