Labi ng Isang Sundalo na Kabilang sa 7 Nasawi sa Helicopter Crash, Iuuwi sa Cagayan Ngayong Araw

58

Cauayan City, Isabela- Inaasahan na bukas ng umaga ay maiuuwi ang labi ni 2nd Lt. Mark Anthony Caabay, isa sa mga nasawing miyembro ng Philippine Air Force na nakasakay sa bumagsak na UH-1H Huey helicopter sa Bukidnon, ito ang kinumpirma ng kanyang asawa na si Krichelle.

Bagama’t tubong Roxas, Palawan si 2nd Lt. Mark Anthony Caabay, residente ito ng Enrile, Cagayan dahil taga rito ang kanyang misis.


Ayon kay Krichelle, agad dadalhin sa isang punerarya dito sa Tuguegarao ang labi ng kanyang asawa kung saan lalamayan ng dalawang araw.

Matatandaan noong Enero 16, 2021 ng hapon nang mag-crash sa Sitio Naigit, Brgy. Bulonay, Impasug-ong, Bukidnon ang sinasakyang UH-1H No. 517 chopper na ikinasawi ng pitong sundalo na kinabibilangan ni 2nd Lt. Caabay.

Facebook Comments