Labi ng Isang Sundalong Nasawi sa Mindanao, Iuuwi Ngayong Araw sa Cauayan City, Isabela!

*Cauayan City, Isabela- *Nakatakdang maiuwi ngayong araw ang labi ng isang sundalong nasawi mula sa 21st Infantry Battalion sa ilalim ng 5th ID, PA makaraang makipagbakbakan noong December 7, 2018 laban sa mga Abu Sayyaf group sa Brgy. Bungkaong, Patikul, Sulu.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Major Jefferson Somera, ang pinuno ng Division Public Affairs Office (DPAO) ng 5th ID, Philippine Army, inaasahang mailapag ng C130 Plane sa Tactical Operations Group-2 (TOG2) Cauayan City bandang alas diyes ngayong umaga ang labi ng nasawi na si Corporal Herald Tomas Marayag ng San Guillermo, Isabela.

Siya ay sasalubungin ng ilang opisyal ng pamunuan ng 5th ID at iba pang mga opisyal para sa pagbibigay seremonya kay late Corporal Marayag.


Kasama rin sa mga sasalubong sa labi ni Corporal Marayag ay ang kanyang naulilang asawa na si Jonalyn Marayag at ng kanyang dalawang anak.

Ayon pa kay Major Somera, bukas sa lahat ng mga nais matunghayan ang paglapag sa labi ni late Corporal Herald Tomas Marayag.

Facebook Comments