Umabot sa 192 na labi ng Overseas Filipino Workers (OFWs) ang naiuwi na sa bansa.
Ito ang naitala ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) nang magsimula ang mass repatriation noong July 10, 2020.
Ayon kay Administrator Hans Leo Cacdac, ang pamilya ng mga namatay na OFW na akbitong miyembro ng OWWA ay makatatanggap ng benepisyo tulad ng burial expenses, livelihood at scholarship.
Dagdag pa ni Cacdac, makatatanggap din ang mga naulilang pamilya ng karagdagang P10,000 cash.
Aminado ang OWWA na naantala ang mass repatriation ng mga labi mula sa Saudi Arabia bunga ng restrictions na ipinaptupad dahil sa banta ng COVID-19.
Facebook Comments