Labi ng mga OFW na namatay sa Saudi Arabia, posibleng maiuwi sa bansa bago o sa mismong araw ng July 4

Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maiuuwi sa bansa ang labi ng nasa 301 Overseas Filipino Workers (OFWs) na namatay sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA).

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, inaayos na ang flights na susundo para sa pagpapauwi sa mga ito bago ang deadline na itinakda ng KSA sa July 4.

Sinabi ni Bello na nasa 145 ang namatay sa COVID-19.


Bukod dito, nasa 16,000 OFWs ang nakapagkumpleto na ng kanilang requirements at inaasahang makakauwi na rin sa Pilipinas.

Ang mga repatriated OFW ay makakatanggap ng $200 o ₱10,000 na financial assistance.

Facebook Comments