Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isasabay na nila sa chartered flight sa August 16, 2020 ang labi ng apat na mga Pilipinong nasawi sa malakas na pagsabog sa Beirut, Lebanon.
Ayon sa DFA, mabilisan ang naging hakbang ng gobyerno na mailikas agad ang mga Pinoy sa Lebanon sa harap ng sitwasyon doon.
Bago pa man nagkaroon ng COVID-19 pandemic, nagkaroon na ng serye ng mass repatriation ang DFA sa Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Lebanon sa harap ng problema sa ekonomiya ng nasabing bansa.
Tiniyak naman ng DFA na patuloy ang kanilang pagbibigay ng assistance sa iba pang mga Pinoy sa Lebanon na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Patuloy rin ang paghahanap ng Philippine Embassy sa Beirut sa posibleng iba pang mga Pinoy na nadamay sa malakas na pagsabog noong Martes.