Labi ng natitirang 54 OFWs mula Saudi Arabia, naiuwi na sa bansa

(Photo from DOLE)

Naiuwi na sa Pilipinas ang 54 iba pang labi ng overseas Filipino workers (OFWs) mula Saudi Arabia nitong Martes, Hulyo 28 ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon sa ahensya, 39 sa mga labi ang nasawi dahil sa COVID-19 habang ang natitirang 15 ay namatay naman sa ibang sakit.

Naiulat na mayroon ng kabuuang 191 labi ng OFWs ang naiuwi na mula sa Saudi.


Samantala, ang mga namatay dahil sa COVID-19 ay agad umanong ipapa-cremate habang ang iba ay dadalhin naman sa kanilang mga pamilya.

Lahat ng magagastos ay sasagutin umano ng gobyerno ayon kay Labor Secretary Bello.

Sa kanyang pahayag, sana raw ay ito na ang huling batch ng labi ng OFWs na iuuwi sa bansa.

Masakit daw kasing makita na patay na silang sasalubungin ng kanilang mga mahal na pamilya.

Samantala, maalalang kasama sa sinabi ni Pagulong Rodrigo Duterte sa kanyang SONA noong Lunes ang assistance na ibibigay sa OFWs na apektado ng pandemic.

Facebook Comments