Labi ng nawawalang residente sa Camarines Sur, naretrieve ng Philippine Coast Guard

53

Natagpuan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang cadaver ng isang nawawalang residente sa Camarines Sur.

Partikular na na-retrieve ang labi ng biktima sa vicinity waters ng Barangay Dugcal, Camaligan, Camarines Sur.


Nabatid na ang biktima ay nagtatali ng kaniyang motorbanca na MB Camaligan para hindi ito matangay ng agos ng tubig at malakas na hangin pero ito ay malunod.

Bukod sa mga tauhan ng Coast Guard Sub-Station – Camaligan, tumulong din ang Philippine National Police (PNP) Maritime Group – Camaligan sa search and retrieval operation.

Facebook Comments