Monday, January 19, 2026

Labi ng OFW na namatay sa Abu Dhabi, UAE- dumating na sa bansa

Dumating na ngayong araw sa bansa ang labi ng Overseas Filipino Worker na si Mary Jill Muya.

Dumating kanina sa Philippine Airlines cargo ang labi ni Muya mula Abu Dhabi, United Arab Emirates.

Ang naturang Pinay filing clerk sa Abu Dhabi ay natagpuang wala nang buhay sa loob ng kanyang silid noong Disyembre 31, 2025 sa Abu Dhabi.

Agad din na ililipad patungong Iloilo ang labi ng OFW kung saan naghihintay ang kanyang pamilya.

Tiniyak naman ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Migrant Workers (DMW) na patuloy ang koordinasyon at pagbibigay ng kaukulang tulong sa pamilya ni Mary Jill sa gitna ng kanilang pagdadalamhati.

Patuloy rin na tinututukan ng Philippine Post sa UAE ang imbestigasyon sa kaso ng pagkamatay ng Pinay worker.

Facebook Comments