Labi ng OFW na Namatay sa Car Accident sa Singapore, Dumating na sa Bansa at Nakatakdang Iuwi sa Aparri, Cagayan!

Cauayan City, Isabela- Puno ng pighati at kalungkutan nang salubungin ng pamilya ni Abigail Leste na isa sa dalawang Overseas Filipino Worker (OFW) na nasawi sa car accident sa bansang Singapore noong nakaraang linggo.

Alas-11:29 kagabi nang lumapag sa NAIA Terminal 2 ang Philippine Airlines Flight PR 512 lulan ang mga labi ni Leste at nakatakdang iuwi sa kanyang tahanan sa bayan ng Aparri, Cagayan.

Una nang naiuwi sa bansa ang mga labi ni Arlyn Nucos noong Miyerkules ng gabi na taga probinsya ng La Union.


Bukod kina Leste at Nucos, apat pang Pinoy ang nasugatan sa insidente kung saan dalawa pa ang nananatili sa ospital.

Kritikal naman ang kapatid ni Arlyn na si Arceli at ginagamot pa si Egnal Limbauan sa bansang Singapore.

Matatandaan na nagpapahinga lamang sa Lucky Plaza mall ang OFWs dahil sa kanilang day off sa tuwing sumasapit ang linggo nang silaโ€™y araruhin ng kotse.

Hanggang sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng otoridad sa bansang Singapore ang nangyaring insidente habang nakakulong na ang drayber ng kotse.

Samantala, maliban sa financial at burial assistance na P220k mula sa OWWA na matatanggap ng nasabing OFW ay magbibigay din ng tulong ang LGU Aparri.

Facebook Comments