Labi ng OFW na si Marjorette Garcia, inaasahang maiuuwi sa Pangasinan bukas

Inaasahang bukas ay maiuuwi na sa Pangasinan ang labi ng Overseas Filipino Worker (OFW) na si Marjorette Garcia na pinaslang ng kanyang katrabahong African national sa Saudi Arabia.

Sinalubong ang labi ni Marjorette ng kanyang mga mahal sa buhay sa NAIA kaninang alas-9:40 ng umaga.

Kasama rin na sumalubong ang mga opisyal ng gobyerno na pinangunahan ni OWWA Administrator Arnel Ignacio, Congressman Ron Salo at ilang opisyal ng Department of Migrant Workers (DMW).


Ayon kay OWWA Administrator Arnel Ignacio, nakahanda na ang tulong na P220,000 para sa death and burial ni Garcia, P15,000 para sa livelihood ng kanyang pamilya at scholarship para sa isang anak ni Marjorette na 9 years old hanggang sa makatapos ito ng kolehiyo.

Samantala, ang Heroes Welcome ay gagawin naman sa bahay nila sa San Jacinto, Pangasinan at asahan na darating bukas doon sa mismong burol sina OWWA Administrator Arnel Ignacio, DMW-OIC Hans Leo J. Cacdac, at ang regional director ng OWWA kasama pa ang ilang mga opisyal ng DMW.

Facebook Comments