Target ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maiuwi ang labi ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasawi sa pagsabog sa Lebanon sa Agosto 20.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, maaaring maisabay na ang mahigit na 100 OFWs na gusto na rin umuwi sa bansa.
Aniya, naghahanap na lamang sila ng flight na maaaring magsakay sa mga labi at mga ire-repatriate.
Sa sandali aniyang may makuha nang flight at maayos na ang airport ng Beirut na naapektuhan din sa pagsabog ay mapapauwi na ang mga ito.
Una nang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na sumampa na sa apat ang bilang ng mga nasawing Pinoy habang 31 ang nasugatan sa pagsabog.
Sa ngayon, patuloy na pinaghahanap ang iba pang nawawalang household service worker.
Facebook Comments