Nakatakdang i-uwi sa Pilipinas sa September 17, 2020 ang mga labi ng Pilipinong tripulanteng namatay matapos lumubog ang Gulf Livestock-1 sa karagatan ng Japan.
Batay sa ulat ng Philippine Overseas Labor Office (POLO), ang nakatakdang pagpapauwi sa labi ni Joel Canete Linao na tubong Polomolok, South Cotabato ay iniurong.
Ang eroplanong magdadala ng kanyang labi ay inaasahang darating sa Manila ng alas-5:00 ng hapon.
Tiniyak ni Department of Labor and Employment (DOLE) Information and Publication Service Director Rolly Francia na makakatanggap ang pamilya ni Linao ng ayuda mula sa pamahalaan, kabilang na rito ang mga benepisyo at tulong mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Ipagkakaloob naman ang college scholarship sa mga anak ng nasawing tripulante.
Ang dalawang Pilipinong nasagip na sina Jaynel Rosales at Eduardo Sareno ay magkasamang uuwi sa bansa sa susunod na linggo.