Nakuha na ng pamilya ang labi ng dalawang kataong nasangkot sa pagbagsak ng isang Cessna Plane sa Lingayen, Pangasinan, kahapon.
Dumating ang mga pamilya ng biktima upang kunin ang labi ng dalawa sa mismong araw din ng pinangyarihan ng insidente.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Lingayen Police Station Chief of Police PLtCol. Amor Somine, dumating kahapon ang pamunuan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at inimbestigahan ang lugar ng aksidente. Dito na rin naretrieve ang makina ng eroplano.
Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Lingayen PS sa CAAP at PNP Aviation Group sa malalimang pag-imbestiga upang matukoy ang tunay na naging sanhi ng plane crash.
Samantala, nagpaabot ng pakikiramay ang flying school na may-ari ng bumagsak na Cessna aircraft at tiniyak ang koordinasyon ng tanggapan sa isinasagawang imbestigasyon ukol dito.
Pansamantalang pinatigil ang pagpapalipad sa mga aircraft ng naturang flying school habang gumugulong ang imbestigasyon nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨









