Labi ng Pinay caregiver na namatay sa missile attack ng Iran sa Israel, dumating na sa bansa

PHOTO: DMW

Dumating na sa bansa ang labi ng Overseas Filipino Worker (OFW) na si Leah Mosquera.

Si Mosquera ay ang Pinay caregiver na namatay sa Iranian missile strike sa Rehovot, Israel.

Kasamang naghatid sa Pilipinas sa labi ni Leah ang kaniyang kapatid na nagta-trabaho rin sa Israel at isang kapwa-OFW.

Ang labi ni Mosquera ay sinalubong ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac at Israel Ambassador Ilan Fluss, gayundin ng ilang miyembro ng pamilya Mosquera.

Facebook Comments