Labi ng Pinay OFW na nasawi sa car accident sa Singapore, naiuwi sa bansa

Naiuwi na sa bansa ang labi ng isa sa dalawang babaeng Pilipinong nasawi sa isang car accident sa isang shopping mall sa Singapore.

Ang OFW na si Arlyn Nucos ay isa sa mga biktima ng vehicular accident kung saan bumangga ang sasakyan sa metal railing sa Lucky Plaza.

Ayon kay Charge D’ Affairs Adrian Candolada, itinuturing niyang freak accident ang nangyari.


Aniya, isang private sedan ang nawala sa kalsada at binangga ang grupo ng mga Pilipino na nagpapahinga sa gilid ng daan at kinaladkad pababa sa isang driveway sa Lucky Plaza.

Dagdag pa ni Candolada, apat ang sugatan na idinala sa Tan Tock Seng Hospital.

Karamihan sa mga biktima ay Domestic Helpers na nagtatrabaho sa Singapore ng ilang taon.

Samantala, tiniyak ni Foreign Affairs Assistant Secretary Ed Meñez na mabibigyan ng tulong ang mga biktima.

Facebook Comments