Labi ng Pinay OFW na pinatay ng amo sa Kuwait, naiuwi na sa bansa

Nasa bansa na ang mga labi ni Jeanelyn Villavende, ang OFW na pinaslang ng kanyang amo sa Kuwait.

Kasama si Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr. at OWWA Administrator Hans Cacdac, sinalubong ng pamilya ang mga labi ng kanilang kaanak.

Ayon kay Cacdac – nangako ang pamahalaan na makamit ang hustisya kasama ang pagkuha ng dekalidad na abogado sa Kuwait.


Sinabi ni Cacdac – mananatili ang partial deployment ban sa Kuwait at babawiin lamang ito kapag nabigyan ng hustisya ni Jeanelyn.

Bukod dito, kailangan ding maipatupad ang memorandum sa pagitan ng Pilipinas at ng Kuwait noong May 2018 na nangangalaga sa karapatan ng mga OFW.

Tiniyak naman ng Department of Justice (DOJ) na ibibigay ang lahat ng suportang legal para sa pamilya Villavende.

Facebook Comments