Labi ng Pinoy na nasawi habang nasa barko sa Taiwan, naiuwi na ng Pilipinas

Kinumpirma ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) na naiuwi na ng Pilipinas ang labi ng Filipino fisher na nasawi habang sakay ng pinagtatrabahuhang Taiwanese vessel.

Ayon sa MECO, naantala ng mahigit dalawang buwan ang pagproseso sa repatriation ng labi ng Pinoy dahil sa mali ang spelling ng apelyido nito sa birth certificate.

Bukod dito, nagkaroon din ng malalakas na bagyo sa Pilipinas at sa Taiwan.


Lumalabas sa autopsy na inatake sa puso ang Overseas Filipino Worker (OFW) habang nasa barko.

Tiniyak naman ng MECO na maibibigay sa pamilya ng Pinoy fisher ang halos ₱3 million na mga benepisyo nito kabilang ang ₱2.6-M na insurance benefit.

Facebook Comments