Labi ng Pinoy Seafarer na nasawi sa pag-atake ng Houthi Rebel sa MV Eternity Sea sa Red Sea, ina-asahang mabalik sa bansa mamayang gabi

Nakatakdang iuwi sa bansa ang labi ng isa sa mga nasawing seafarer mamayang gabi.

Ito’y kasunod ng pag-atake ng Houthi rebels sa sinasakyan nilang barko, ang MV Eternity Sea, sa Red Sea noong Hulyo 2025.

Ayon kay Usec. Felicitas Bay ng DMW Foreign Employment and Welfare Service, matapos na makumpleto ang mga kailangang dokumento at mga clearances, tuluyan nang maibibiyahe ang labi ng naturang tripulante.

Isasabay sana ang pag-uwi nito sa siyam na seafarer na umuwi lamang nitong kamakalawa ngunit na-hold dahil sa mga kinakailangang papeles.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng DMW sa pamilya ng mga Pinoy seafarers at pinagkalooban sila ng pinansyal na tulong.

Facebook Comments