Labi ng sundalong namatay sa Marawi City na taga-Gensan, hinihintay na ng pamilya

General Santos City – Hinihintay na ng pamilya ng sundalong taga-Gensan na si PFC Rusell Marvin Gomez, 23 anyos, kasapi ng 7th battalion, Philippine Marines, residente sa Park Puting Bato, Barangay Calumpang, Gensan – isa sa mga sundalong namatay sa bakbakan sa Marawi City ang pagdaling ng labi nito sa lunsod.

Sinabi ng ina ni PFC Gomez na si Cecil Gomez, na kasalukuyang nasa Port Bonifacio ito para personal na kunin ang labi ng kanyang anak para madala na dito sa Gensan dahil naghihintay na ang ilan nilang mga kaanak.

Napag-alaman na mahigit isang taon palang nang pumasok ng Philippine Marines si PFC Gomez para na rin makatulong sa kanyang pamilya sa Gensan.


Na-assign ito sa 7th Batallion, Philippine Marines at isa sa mga ipinadala ng Marawi City para makibakbakan laban sa Maute Group.
DZXL558

Facebook Comments