
Mas malaki ang pakakaroon ng merito sa kaso ng mga sumukong suspek na nasa likod ng krimen sa pagpatay sa transportation network vehicle service (TNVS) driver na natagpuan sa Brgy. Batitang sa Zaragoza, Nueva Ecija.
Ayon kay National Bureau of Investigation (NBI) Spokesperson Atty. Ferdinand Lavin, nakasuhan na ang tatlong suspek na sumuko mismo sa alkalde ng Maynila kagabi sa halos dawalang buwan nitong pagtatago.
Samantala, magpapadala pa ng mga opisyal ang NBI— National Capital Region (NCR) sa mismong lugar kung saan nakita ang TNVS driver kasama ang misis nito para tuluyang makumpirma kung ang bangkay na itinuro ng mga suspek ay ang kanya misong asawa na matagal nang nawawala.
Matatandaan noong May 18 taong kasalukuyan ay hinoldap at pinatay ng tatlong suspek ang TNVs driver na kinilalang si Raymond Cabrera sa kung saan ang kotse ng biktima ay iniwan sa lungsod ng Valenzuela.









