Labi ni Atio Castillo, dumating na sa Santuario De San Antonio Parish

205

Manila, Philippines – Dumating na ang mga labi ng UST freshman law student na si Horacio “Atio” Tomas Castillo sa Santuario De San Antonio Parish, Forbes Park Makati City.

Dito ilalagak ang mga labi ng estudyante na namatay dahil sa hazing.


Galing ang katawan ng biktima sa Heritage park at pagkatapos i-embalsamo ay idinerecho na sa Santuario De San Antonio Parish.

Partikular na nakalagak ang mga labi ni Atio sa Kapilya Del Senyor Multi Purpose Chapel ng Santuario De San Antonio.

Dagsa na ang mga kaanak, kaibigan, kaklase at mahal sa buhay ni Atio para makiramay sa naulilang pamilya nito.

Si Atio ay namatay sa kamay ng Aegis Juris Fraternity ng Unibersidad ng Santo Tomas makaraang sumailalim sa initiation rites.

Facebook Comments

From Advertisers