MANILA – Malabong payagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na maidaan pa sa Malacañang bago ilibing sa libingan ng mga bayani ang labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.Paliwanag ni Pangulong Duterte, hindi sa kanya ang Malacañang dahil siya ay isang tenant o occupant lamang doon.Aniya, milyon-milyong Pilipino ang kailangang makunsulta kung may magmungkahi man o magplanong idaan ang labi ng dating pangulo sa Malacañang at imposible itong gawin.Aminado naman si Duterte na hindi na niya mapipigilan pa ang paglibing sa dating pangulo sa LNMB kahit may motion for reconsideration pa ang ilang grupo bukod nalang kung maglalabas ng status quo ante order ang Korte Suprema.Hindi naman nagbigay ng commitment si Pangulong Duterte kung makadadalo siya sa libing ni dating Pangulong Marcos.
Labi Ni Dating Pangulong Ferdinand Marcos, Hindi Papayagan Ni Pangulong Duterte Na Maidaan Sa Malacañang
Facebook Comments