Mahigpit ang health protocol na ipinapatupad para sa public viewing at necrological service para sa yumaong dating Senador, Congressman and Chief of Staff of the Armed Forces of the Philippines (AFP) Rodolfo “Pong” Biazon.
Mula Taguig, inilipat at idinaos ang public viewing ng dating senador at dating Muntinlupa Representative sa Muntinlupa City Hall kahapon, linggo, alas-10:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi.
Nagbigay ito ng pagkakataon sa publiko, lalo na sa mga residente ng Muntinlupa na magbigay ng kanilang huling paggalang at pamamaalam sa ama ng incumbent City Mayor na si Ruffy Biazon.
Lubos na nagpapasalamat si Mayor Ruffy Biazon sa lahat ng mga Muntinlupeñong sumalubong sa pagdating ng labi ng kaniyang ama sa Muntinlupa city hall.
Ngayong araw, dadalhin sa Senado at Philippine Marine headquarters ang labi ng dating kongresista upang mabigyan ng pagkakataon ang mga kaibigan na masilayan ang yumaong dating senador.