Ililibing na sa Linggo sa Golden Haven sa Las Piñas City si Jullebee Ranara, ang pinatay na Overseas Filipino Worker (OFW) sa Kuwait.
Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnel Ignacio, nais ng pamilya na maging pribado ang kanilang pagluluksa.
Dagdag ni Ignacio, naasikaso na rin ng OWWA ang burial assistance at naibigay na rin ang nasa P800,000 insurance sa pamilya nito maging ang scholarship para sa 4 niyang anak.
Sa ngayon, patuloy ang pagmo-monitor ng Department of Migrant Workers (DMW) at OWWA sa pag-usad ng kaso hanggang makamit ang hustisya sa nasawing OFW.
Plano rin aniya ng OWWA na palawakin ang hotline 1348 para mas matugunan ang panawagan ng tulong ng mga OFW na nasa alanganing sitwasyon.
Facebook Comments