Labi ni Police Major. General Joevic Ramos, agad na icre-cremate; Heneral, nakatakda sanang magretiro ngayong taon

Kinumpirma ni Philippine National Police Spokesperson Police Col. Ysmael Yu na agad na icre-cremate ang labi ni Police Major General Joevic Ramos.

Si Ramos ay tuluyan nang pumanaw kaninang madaling araw matapos ang pitong buwang pagiging comatose dahil sa pagbagsak ng kanilang sinasakyang helicopter sa San Pedro City, Laguna noong March 5, 2020.

Ayon kay Yu, agad na icre-cremate ang mga labi ni Ramos, batay na rin sa kagustuhan ng kanyang mga kaanak.


Kuwento ni Yu, ngayong taon na sana dapat magreretiro ang nasawing opisyal.

Matatandaan noong March 5, 2020 ay tumama ang police chopper sa high tension wire habang ito ay pa-take off dahil sa poor visibility na dulot ng makapal na alikabok.

Lulan din ng naturang chopper si dating PNP Chief Archie Gamboa at iba pang mga opisyal ngunit nakaligtas ang mga ito.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang pnp sa mga naulila ni Ramos.

Sa panahon ng pamunuan nina Gamboa at dating PNP Chief Oscar Albayalde ay nanilbihan bilang Director for Comptrollership si Ramos.

Siya ay miyembro ng PMA Sinagtala class of 1986.

Facebook Comments