Labindalawang bansa, nagpahayag ng suporta sa Pilipinas kaugnay sa panibagong harassment ng China sa barko ng BFAR sa Bajo de Masinloc

Muling nagpahayag ng suporta para sa Pilipinas ang 12 mga bansa kasunod ng pinakabagong insidente ng pangha-harass ng Chinese Coast Guard (BFAR) laban sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) vessel sa Bajo de Masinloc.

Ayon kay National Maritime Council (NMC) Spokesman Undersecretary Alexander Lopez, ilan sa mga bansang nagbigay ng kanilang statement support para sa Pilipinas ay ang US, New Zealand, South Korea, Japan at pitong iba pa.

Nagpasalamat naman ang NMC sa mga bansang muling nagpahayag ng kanilang suporta.


Ang ganitong pagpapakita aniya ng suporta ay malaking bagay habang nagpapakita rin ito ng common understanding at kaparehong pagkakaintindi sa international order.

Dahil din sa suportang nakukuha ng Pilipinas ay malinaw kung sino ang nasa tama at sumusunod sa international law.

Facebook Comments