Labindalawang economic measures, ipaprayoridad sa Kamara

41

Ipaprayoridad sa Kamara ang pagtalakay at agad na pagpapatibay sa 12 economic measures.

Ayon kay Majority Leader Martin Romualdez, nakatanggap umano siya ng utos mula kay Speaker Lord Allan Velasco na unahin ang 12 panukala na inendorso ni Finance Secretary Sonny Dominguez bilang bahagi ng legislative priorities ng ahensya.


Sa 12 economic measures, lima dito ay nasa ilalim ng period of interpellation sa plenaryo habang pito ang nasa deliberasyon sa committee level.

Kabilang sa mga economic measures na nakasalang na sa plenaryo ang Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE), Digital Transactions Value Added Tax, Bureau of Fire Protection (BFP) Modernization Program, Fiscal Mining Regime, at Internet Transactions Act/E-Commerce Law.

Samantala, nasa komite pa ang mga panukala na Military and Uniformed Personnel (MUP) Services Separation, Retirement, and Pension Bill, Armed Forces of the Philippines (AFP) Modernization Bill, Coconut Farmers Trust Fund Bill, Department of Water Resources and Water Regulatory Commission Bill, Warehouse Receipts Bill, National Disease Prevention and Management Authority Bill at National Land Use Bill.

Kumpyansa naman si Romualdez na sa susunod na taon ay maipapasa na ang mga nasabing economic measures bago ang halalan sa 2022.




Makakatulong ang mga panukala para sa pagpapasigla muli sa ekonomiya at maibsan ang impact ng COVID-19 pandemic sa kabuhayan ng mga Pilipino.

Facebook Comments