Mararanasan sa labing-isang bayan at isang lungsod sa Pangasinan ang kawalan ng kuryente sa darating na April 12, 2025, araw ng Sabado mula 6:00 AM to 6:00 pm.
Apektado ang buong bayan na kinabibilangan ng Balungao, Natividad, Rosales, San Nicolas, San Quintin, Sta. Maria, Sto. Tomas, Tayug at Umingan. Mararanasan din ang power interruption sa Brgys. San Juan and San Vicente (Sitio An-Anonas, Bato and Pao) sa San Manuel, at buong bayan ng Villasis maliban sa Brgy. La Paz.
Apektado rin ang mga barangay sa Urdaneta City na kinabibilangan ng Brgys. Bactad East, Bayaoas, Bolaoen, Cabuloan, Camanang, Casantaan, Consolacion, Dilan-Paurido, Macalong, Nancayasan, Palina East, Palina West, Poblacion , PT Orata, Sta. Lucia, Sto. Domingo at Tipuso.
Habang sa Asingan, apektado ang mga barangay ng Ariston West, Ariston East, Baro, Bantog, Cabalitian, Carosucan Norte, Carosucan Sur, Domanpot, Dupac, Macalong, Poblacion East, Poblacion West, Sanchez, San Vicente East and San Vicente West.
Bunsod ito ng isasagawang maintenance sa Nagsaag Substation and Nagsaag-Umingan 69KV Line na bahagi ng paghahanda ng tanggapan para sa May 2025 Local and National Elections. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨