Inaasahan ang 12-oras na power interruption sa siyam na munisipalidad sa lalawigan ng Pangasinan, ayon sa abiso ng Pangasinan I Electric Cooperative (PANELCO I).
Batay sa inilabas na pahayag, magaganap ang power interruption sa Enero 5, 2025, Linggo, mula alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi. Apektado ang mga bayan ng Agno, Alaminos City, Anda, Bani, Bolinao, Burgos, Dasol, Infanta, at Mabini.
Ayon sa PANELCO I, isasagawa ang preventive maintenance sa Labrador Substation, partikular sa Labrador-Bolinao 69kV lines, pati na rin ang load shifting mula Labrador 100MVA Power Transformer 1 patungong 50MVA Power Transformer 2 upang masiguro ang maayos na daloy ng kuryente sa mga nasasakupang lugar.
Nagpaalala rin ang tanggapan sa mga residente na maaaring mas maagang maibalik ang kuryente depende sa bilis ng kanilang mga aktibidad. Hinihikayat ang lahat na maghanda at magplano nang maaga para sa posibleng abala sa araw ng power interruption.
Para sa karagdagang impormasyon at updates, maaaring makipag-ugnayan sa opisyal na tanggapan ng PANELCO I. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨