Labindalawang Piraso ng Nilagareng Kahoy sa San Pablo Isabela, Natagpuan!

San Pablo, Isabela – Natagpuan kaninang umaga ng mga lagad ng batas ang labindalawang piraso ng nilagareng kahoy sa Brgy. Dalena, San Pablo, Isabela.

Sa ibinahaging impormasyon ng PNP San Pablo, una umanong nakatanggap ng isang tawag ang naturang himpilan mula sa Barangay Intellegence Network (BIN) sa umanoy nakitang mga kahoy partikular sa Pinacanauan River ng nabanggit na lugar.

Kaagad na nagtungo sa lugar ang mga otoridad at natagpuan ang isang daan at siyamnapu’t dalawang board feet na kahoy.


Dinala na sa himpilan ng pulisya ang mga kahoy para sa karagdagang disposisyon at dokumentasyon.

Facebook Comments