Nagpositibo sa COVID-19 ang labindalawang tellers at isang cash assistant ng Metro Rail Transit-3 (MRT).
Nakatalaga ang mga tellers sa Santolan, Ortigas at Cubao Stations.
Abot sa 114 na personnel na naka-istasyon ng MRT-3 ang natukoy na nagkaroon ng contact sa mga teller na nagpositibo sa COVID.
Sa ngayon ay hindi na muna sila pinag-re-report sa trabaho habang isinasailalim sila sa quarantine.
Inoobliga na ngayon ang lahat ng MRT-3 tellers at mga station personnel na magsuot ng full personal protective equipment tulad ng face mask, face shield, gloves at gowns upang hindi makahawa sa mga pasahero.
Facebook Comments