Pormal nang sinampahan ng criminal case sa Department of Justice (DOJ) ng grupo ni Pilar, Abra Vice Mayor Josefina Disono ang labing anim na mga opisyal at tauhan ng Abra police sa Cordillera region.
Kaugnay pa rin ito sa encounter sa pagitan ng grupo ni Disono at mga pulis sa isang checkpoint sa bayan ng Pilar noong nakalipas na buwan.
Nagresulta naman ito sa pagkasawi ng isang tauhan ng bise alkalde na si Sandee Bermudo.
Kasong murder, perjury at incriminating an innocent person ang isinampa ni Disono laban kina Cordilera PNP Regional Dir. Brig. Gen. Ronald Lee, Abra Police Provincial Director Col. Maly Cula, Abra Intel Unit Chief Lt. Col. Melencio Mina; Pilar Abra Chief of Police Capt. Ronaldo Eslabra at labintatlong iba pang pulis.
Sa pulong balitaan ng grupo ni Disono sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Quezon City nagpasalamat si Disono sa NBI sa pag-iimbestiga sa insidente.
Sa mensahe naman ni PNP Spokesperson Jean Fajardo, hihintayin pa nila ang kopya ng reklamo kaya’t hindi muna sila makapagkomento.