Labing anim na pulis na umano’y sangkot sa pagkakapatay kay Kian delos Santos, isinalang na sa summary dismissal hearing ng PNP-IAS

Manila, Philippines – Humarap na sa Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang labing anim na Police Caloocan na umanoy sangkot sa pagkakapatay sa 17 taong gulang na binatilyo na si Kian Delos Santos.

Pero hindi pinayagan ang media na i- cover ang nagaganap na summary dismissal hearing.

Matatandaang nahaharap sa mga kasong grave misconduct, serious irregularity in the performance of duty, at serious neglect of duty sina Chief Inspector Amor Cerilo, precinct commander; Police Officer (PO) 4 Arnel Oares, na sinasabing nakapatay kay Delos Santos; PO1 Jeremias Pereda at PO1 Jerwin Cruz at iba pa.


Sa ginagawang summary hearing, magsusumite ang mga pulis na ito ng mga ebidensya na magpapatunay na nanlaban si Kian delos Santos.

Makalipas naman ang labing limang araw ay maglalabas na nang desisyon ang PNP-IAS sa kaso ng labing anim na pulis at ito ay isusumite kay PNP Chief Ronald Dela Rosa.

Facebook Comments