Cauayan City, Isabela – Pinangunahan ni City Mayor Bernard Dy at Governor Faustino “Bojie” Dy III ang pamamahagi ng rescue vehicle sa labing apat na barangay sa lungsod ng Cauayan.
Ibinigay ang mga rescue vehicle sa mga barangay na malinis na sa usapin ng droga at maging sa mga barangay na sumali sa Barangay Rescue On Disaster o BROD Challenge.
Aniya unang nabigyan umano ang mga barangay na nanalo sa ginanap na BROD Challenge kamakailan.
Tiniyak naman ni Mayor Bernard Dy na lahat ng barangay ay makakatanggap ng kanilang rescue vehicle ngunit kinakailangan lamang umano na sumali sila sa lahat ng aktibidad tulad ng BROD Challenge.
Kabilang sa mga nabigyan na ng rescue vehicle ay ang mga barangay ng Carabatan Grande, Rogus,San Fermin, Casalatan, Cassa Fuera, San Pablo, Catalina,Sillawit, De Vera,Tagaran, Nagrumbuan,Turayong at Barangay Villaflor.
Giit pa ni Mayor Dy na ang mga naturang sasakyan ay nagkakahalaga ng tatlong daan at limampung libong piso bawat isa (Php350,000.00)
Bukod dito ay namahagi din ng tent sa 65 barangays sa lungsod ng Cauayan upang may magamit umano ang ito sa mga emergency at mga okasyon sa barangay.