LABING APAT NA BAYAN SA PANGASINAN BINIGYANG PAGKILALA NG DICT REGION 1 DAHIL SA MAAYOS NA VACCINATION ADMINISTRATION SYSTEM

Kinilala ng Department of ICT Region 1 o DICT 1 ang labing apat na bayan sa Pangasinan na may pinakamaayos nap ag-oorganisa ng vaccination administration system sa buong rehiyon uno.

Kabilang sa mga nabanggit na bayan ay ang bayan Ng Bayambang, Bani, Binalonan, Alcala, Natividad, San Nicolas, Basista, Malasiqui, Dasol, Santo Tomas, Asingan, Calasiao, Sison at bayan ng Villasis.

Ang mga bayang ito ay may outstanding performance sa pag-upload ng kanilang Vaccine Administration System Line List Submissions na may 95%-100% completion rate.

Samantala, isa itong milestone para sa mga LGU’s na nabigyan ng pagkilala at umaasa ang ahensya na magtuloy tuloy ang kanilang outstanding performance. | ifmnews

Facebook Comments