Labing-apat na lalawigan, isinailalim na sa public storm signal number 1 dahil sa bagyong Maring

Manila, Philippines – Isinailalim na sa public storm signal number 1 ang labing-apat na lalawigan dahil sa bagyong Maring.

Sa latest bulletin ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 190 kilometro sa silangang bahagi ng Infanta, Quezon.

May lakas ito ng hangin na aabot sa 45 kilometro kada oras at pagbugsong nasa 60 kilometro bawat oras.


Sa pagtaya ng PAGASA, malaki ang posibilidad na mag-landfall ang bagyo sa bahagi ng Quezon-Aurora ngayong hapon.

Kabilang sa mga nasa ilalim ng signal number 1 ay ang mga sumusunod:

-Metro Manila
-Catanduanes
-Camarines Norte
-Camarines Sur
-Northern Quezon kasama na ang Polilio Island
-Rizal
-Bulacan
-Aurora
-Pampanga
-Quirino
-Nueva Ecija
-Tarlac
-Pangasinan
-Zambales
-Bataan

Ibig sabihin ayon sa PAGASA, ang mga nabanggit na lalawigan ay makakaranas ng pag-ulan at pagbugso ng hangin na tatagal hanggang bukas (Sept. 13).

Samantala, namataan naman ang bagyong Lannie sa layong 1,255 kilometro sa silangang bahagi ng Aparri, Cagayan.

Taglay nito ang lakas ng hangin na nasa 120 kph at pagbugsong nasa 145 kph at tinatahak ang west-northwest direction.

Facebook Comments