Labing apat na oras na ilalagay sa alert status ang Luzon grid ngayong araw ng Miyerklues ayon sa NGCP

Halos labing apat na oras na inilagay sa alert status ng National Grid Corporation, ang Luzon grid ngayong araw ng Miyerkules dahil sa manipis na suplay ng kuryente.

 

Sa abiso ng National Grid Corporation, iiral ang yellow alert  mula 8:00AM-9:00AM at 4:00PM-10:00PM at red alert naman ang iiral mula 9:00AM-4:00PM.

 

Base sa power situation outlook ng NGCP, aabot sa 10,962MW ang available capacity ng Luzon grid habang aabot naman ang Peak Demand  sa 11,134MW.


 

Kabilang sa mga lugar na maisasailim sa  tinatawag na  Manual Load Dropping o salit salitang pagkawala ng kuryente sa mga sumusunod na lugar:

 

Ilang parte ng  Metro Manila na sineserbisyuhan ng MERALCO

 

Ilang bahagi ng  Ilocos sur na sinseseebisyuhan ng ISECO

 

Ilang parte ng Batangas sa ilalim ng Batelco II

 

Bataan sa ilalim ng Perelco

 

Ilang bahagi ng Angeles City,Pampanga

 

Camarines sur sa ilalim ng Caserco

 

Facebook Comments