Labing apat na panukalang batas, napagkasunduang ipasa ng Kamara at Senado na hanggang Mayo

Manila, Philippines – Nagpulong ang mga lider ng Kamara atSenado para ilatag ang mga panukalang batas na dapat maipasa bago magtapos angunang regular session ng 17th Congress.
  Ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas, kasama sapulong si House Speaker Pantaleon Alvarez, Senate President Koko Pimentel atiba pang lider ng Senado at Kamara. 
  Labing apat na panukalang batas ang napagkasunduan ngdalawang kapulungan na ipasa hanggang May 30.
  Kabilang na ang free internet access in public places,affordable higher education for all act, Philippine passport act, review ng mgapenalty sa revised penal code, Philippine mental health act, occupationalsafety and health standards, community service act at marami pang iba.
  Sabi pa ni Fariñas, kahit inilatag nila ang 14 napanukalang batas na unang dapat ipasa para maisama sa State of the NationAddress ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo ay hindi nililimitahan dito ng Senadoat Kamara ang mga panukalang batas na kanilang ipapasa.
  Samantala, hindi napag-usapan sa naging pagpupulong angtungkol sa death penalty bill.
   

Facebook Comments