Labing dalawa katao, patay sa pag-atake ng ISIS sa Iranian Parliament

Tehran, Iran – Labing dalawa ang patay sa kambal na pamamaril at pambobomba sa Tehran, Iran.

Sa report – naging target ng mga suicide bombers at mga armadong salarin ang Iranian Parliament.

Nakasuot ng mga damit na pambabae ang apat na mga terorista na pumasok sa main entrance ng Iranian Parliament.


Matapos mamaril – isa sa mga ito ang nagpasabog sa kanyang sarili sa pamamagitan ng suicide vest.

Pagkatapos nito – isa pang pagsalakay ang isinagawa ng grupo sa museum ni Ayatollah Khomeini at nagsimulang mamaril at magpasabog ng suicide vest.

Agad inako ng Islamic State ang pag-atake.
DZXL558

Facebook Comments