Nagsimula nang umarangkada ang labindalawang panibagong sasakyang rutang Dagupan City – Pozorrubio bilang pakikiisa sa modernisasyon ng mga pampublikong sasakyan sa bansa.
Nito lamang unang linggo ng Abril, nagsimula nang bumiyahe ang nasa labindalawang (12) OFG compliant units (Modern PUJs-class 3 Units ng kooperatibang Indigenous Community Transport Service kung saan inihayag ni Chairman Manny Maligsa ng ICTSC ang pasasalamat nito sa kanyang mga kasamahan sa kooperatiba patuloy na naniniwala sa programa ng pamahalaan na Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).
Pinasalamatan din ng opisyal ang pamunuan ng LTFRB – Region 1 maging sa mga kawani ng ahensya sa walang sawang pagtulong at pag-suporta sa mga kabilang sa kooperatiba na makapag-modernize at maka-avail ng pampublikong sasakyan para sa mga pasahero.
Ayon naman kay Chairman Atty. Teofilo Guadiz ng LTFRB-R1 na ang mga kasapi sa kooperatiba ay mabibigyan ng karagdagang incentives mula sa gobyerno at nakiusap din ito na mas lalo pang paigtingin ang anti-colorum campaign para nang sa ganoon ay walang maging kakompetensya sa pasada ang mga lehitimong transport cooperative.
Dahil sa pag-avail ng Modernized PUJs ng nasabing kooperatiba ay binigyang pugay ito ng mga opisyal dahil sa pamamagitan ng mga sasakyang ito ay mabibigyan na ang mga mananakay ng dekalidad, maaasahan, makakalikasan na Sistema ng land transportation na naaayon sa global standards at siguradong magugustuhan umano ng mga pasahero ito dahil mayroon itong layuning makamit ang convenient, accessible, safe at affordable na serbisyong public transportation.” |ifmnews
Facebook Comments