MANILA – Umabot sa labing dalawang transmission lines at iba pang pasilidad ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang napinsala sa pananalasa ng bagyong Nina sa Southern Luzon.Ayon sa NCGP, kabilang sa mga naapektuhan ang Batangas Loboc-Loboc 69kv line na pinagkukunan ng suplay ng kuryente ng MERALCO.Ang mga napinsalang transmission lines ay nasa mga lalawigan ng Batangas, Quezon, Camarines Sur at Albay.Samantala, naibalik na ang suplay ng kuryente sa Gumaca-Lopez 69kv line at ang Gumaca-Atimonan 69kv line.
Facebook Comments