Labing-isang (11) hinihinalang miyembro ng Maute Group – arestado sa Marogong, Lanao Del Sur

Manila, Philippines – Arestado ang labing-isang (11) hinihinalang miyembro ng Maute Group sa Marogong, Lanao Del Sur.

Ayon kay Major General Arnel Dela Vega, commander ng 6th Infantry Division ng Philippine Army – naaresto ang mga suspek isinagawa nilang raid matapos makumpirma ang presensya ng terror group members sa nasabing bayan.

Nakumpiska mula sa operasyon ang walong high-powered firearms kabilang ang 60-mm mortar grenade launcher, m60 machine gun, m14 rifle, m16 rifle, m1 garand at ilang mga bala.


Dinala na ang mga ito sa kanilang headquarters sa bayan ng Malabang.

Facebook Comments