LABING ISANG BARANGAY SA SAN NICOLAS, TUMANGGAP NG SOLAR STREET LIGHTS

Tumanggap ang nasa labing isang barangay sa San Nicolas ng solar street lights at tubo na magagamit para mabigyan ng ilaw ang mga eskinita at kakalsadahan sa kanilang komunidad.

Nasa 97 na Led Solar street lights at 92 pirasong tubo ang inilagak ng lokal na pamahalaan sa mga tukoy na barangay.

Ang pamamahagi ng mga kagamitan na ito ay isa sa hakbang upang matiyak at mapagbuti pa ang kaligtasan sa kapaligiran ng mga barangay.

Hindi lamang kaligtasan para sa mga motorista makatutulong ang mga bagong solar street lights kung hindi para sa kaligtasan ng mga residente naglalakad papauwi lalo tuwing dis oras ng gabi. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments