Karagdagang learning materials ang ibinahagi sa labing isang Child Development Center sa bayan ng Mangaldan mula sa malasakit at donasyon ng isang kababayan mula sa Malaysia.
Iba’t-ibang learning materials ang iginawad sa mga Child Development Centers kung saan magandang kagamitan sa pagkatuto ng mga batang mag-aaral.
Sa pamamagitan ng mga pang-edukasyon na materyal na ito ay malilinang pa ang kaalaman ng mga bata pagdating sa kanilang pagbabasa at kahit sa kanilang pang-unawa sa lahat ng kanilang mga nababasa.
Ilan sa Child Development Centers na nabahagian ay Barangay Macayug, Embarcadero, Navaluan, Osiem, Inlambo, Bateng East, Bateng West, Lanas, Tebag, Guiguilonen at Salaan.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang lokal na pamahalaan sa kababayang nagdonate sa mga kagamitan at hindi nakalimutan na matulungan sa aspektong pang-edukasyon ang lugar na pinagmulan nito. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









