Labing isang pinoy na tutungo sana ng Taiwan, hindi pinayagan ng BI

Labing isang pinoy na tutungo sana ng Taiwan ang hindi pinayagan ng Immigration officer na makalabas ng bansa.

Ito ay dahil na din para makaiwas ang mga ito sa banta ng 2019 Novel Coronavirus Acute Respiratory Disease (nCoV-ARD) na nararanasan sa Taiwan.

Bukod dito, 54 Chinese na galing ng Taiwan ang hindi din pinayagan na makababa ng eroplano at makapasok sa mga terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).


Ang mga nasabing pasaherong Chinese nationals ay sakay ng iba’t- ibang airlines kung saan ang iba sa mga ito ay magbabakasyon sana sa bansa habang ang ilan naman ay bibisita sana sa kanilang mga kaanak.

Matatandaan na unang isinama ng Bureau of Immigration (BI) sa expansion ng travel ban ang mga turistang manggagaling sa taiwan matapos magkaroon ng kumpirkadong kaso ng 2019 nCoV-ARD sa nasabing bansa.

At ayon kay immigration commissioner jaime morente, agad nilang ipinatupad ang travel ban makaraang ibaba ng Department of Justice (DOJ) kautusan base na din sa rekomendasyon ng Department of Health (DOH).

 

Ang mga pinoy naman nauuwi sa mga bansang galing sa china, macau, hongkong at taiwan ay sasailalim sa 14-day quarantine para mamonitor kung mayroon o wala silang nCoV-ARD.

Facebook Comments