Labing lima, patay sa car bombing sa Somalia

Labing lima ang patay sa pagsabog ng isang kotse malapit sa mga hotels at restaurants sa Mogadishu, Somalia.

 

Naganap ang pagsabog sa makka al-mukarama na naging dahilan ng pagkasira ng mga kalapit na gusali.

 

Hanggang ngayon ay wala pa ring umaako sa pagsabog.


 

Naging regular na target na ang lugar ng Al-Shabab, isang Al-Qaeda affiliated group na matagal ng kumakalaban sa gobyerno.

 

Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad sa tunay na may sala sa aksidente.

Facebook Comments