Labing limang pampublikong paaralan, nagkaroon ng mga minor damages dahil sa lindol ayon sa DepEd

Aabot sa labing limang paaralan ang nagkaroon ng minor damages matapos ang 6.1 magnitude na lindol na nangyari noong Lunes sa Central Luzon at Metro Manila.

Ilan sa mga ito ay ang mataas na Paaralang Neptali Gonzales at Ilaya Barangka Integrated High School sa Mandaluyong.

Dr. Sixto Antonio Elementary School at Nagpayong High School sa Pasig City kasama na ang Cupang Senior High School sa Muntinlupa City.


Ayon sa Department of Education, nagkaroon ng mga maliliit na crack sa pader ang mga nabanggit na paaralan.

Base din sa datos ng DepEd, nagkaroon ng naman ng malubhang pinsala ang ibang eskwelahan sa Pampanga kabilang dito ang San Nicolas Integrated School at Sindalan Elementary School sa San Fernando; Malusac Elementary School sa Sasmuan at Camias High School kasama na ang Subic Central Elementary School sa Olongapo City.

Sinabi naman ni Education Undersecretary Annalyn Sevilla na nakikipag-coordinate na sila sa lokal na pamahalaan maging sa mga building officials para masigurong ligtas gamitin ang mga nabanggit na paaralan.

Facebook Comments