Labing pito, patay sa magkasunod na pagsabog sa Somalia

World – Labing pitong tao ang patay matapos ang dalawang magkasunod na pagsabog sa Mogadishu,Somalia.
Ang unang pagsabog ay dahil sa car bomb na inirampa sa isang hotel habang ang pangalawang pagsabog ay naganap malapit sa dating parliament house.
Matapos ang pagsabog, pinasok at pinaulanan ng putok ng baril ng mga militante ang hotel.
Hindi pa naman malinaw kung sino at anong grupo ang siyang may kagagawan ng insidente kung saan matatandaan na isang pagsabog din ang naganap sa nasabing lugar dalawang linggo na ang nakaraan na ikinamatay ng 350 tao.

Facebook Comments