Labing siyam katao patay, habang 17 sugatan sa pagsabog ng isang gas tank sa China

Aabot sa labing siyam na katao ang nasawi habang 172 ang nasugatan matapos sumabog ang isang gas tank sa Zhejiang Province ng China.

Ayon sa mga otoridad, bumibiyahe mula sa Ningbo hanggang Wenzhou ang tangke nang bigla itong sumabog habang nasa Highway exit ramp ng Wenling.

Iniimbestigahan na rin ang sanhi ng pagsabog kung saan ilang sasakyan at establisyemento na malapit dito ang naapektuhan.


Sa ngayon, nagpadala na ng 96 fire trucks at 454 rescue units ang mga otoridad para tumulong at magligtas pa ng ibang residenteng natabunan ng pagguho.

Facebook Comments